Water service interruptions nakaamba kapag patuloy sa pagbaba ang lebel ng Angat Dam
Patuloy sa pagbaba ang lebel ng Angat Dam at mula Abril ay umabot na ito sa 180-meter critical level dahil sa below-average rainfall bunsod ng El Niño.
Hanggang Araw ng Miyerkules, nasa 164.48 meters ang water level sa Angat Dam na mas mababa sa normal high water level na 210 meters.
Ayon sa Pagasa, ang kasalukuyang antas ay malapit na sa pinakamababang lebel na naitala noong July 2014 kung kailan bumagsak ang water level sa 162.74 meters.
“Meron kaming na-observe na malalakas na rainfall sa may bandang Zambales, minsan sa bandang Bicol, Cavite, Laguna which is malayo naman sa watershed ng Angat Dam,” pahayag ni Pagasa Hydrologist Elmer Caringal.
Samantala, sinabi ng National Water Resources Board (NWRB), posibleng bumaba pa ang antas ng tubig sa 160-meter level na magreresulta sa water service interruptions o mababang kalidad ng tubig.
Ang 164.9 meters ay sapat pa naman umano para mag-supply ng 46 cubic meters per second na alokasyon sa Maynilad at Manila Water.
Pero kapag wala pa ring ulan, tinatayang bababa ang water level sa rate na 0.38 meters per day na nangangahulugan na aabot ito sa mas mababa pa sa 160 meters sa susunod na 10 araw.
Dahil dito, naghahanda na ang mga regulators at water concessionaires ng posibilidad ng mababang lebel ng tubig na pwedeng maging dahilan ng water supply interruptions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.