Ayon kay MMDA EDSA Traffic Manager c bubuhayin ang Expanded High Occupancy Vehicle o HOV scheme sakaling maipatupad na nang buo ang provincial bus ban sa EDSA.
Nauna nang nagsagawa ng dry run sa HOV scheme noong Agosto 2018 ngunit mariin itong tinutulan ng Senado at nakatanggap ng batikos mula sa mga motorista.
Iginiit ng Senado na dapat munang magsagawa ng konsultasyon ang MMDA tungkol sa traffic scheme.
Naniniwala si Nebrija na ang HOV ay isa sa mga pinakamagandang polisiya na dapat nilang ipatupad dahil mababawasan nito ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA.
Para naman kay MMDA general manager Jojo Garcia, layon ng HOV scheme na mahikayat ang mga motorista sa ride-sharing.
Umaasa ang MMDA na mababawasan ng 30 porsyento ang bilang ng mga pribadong sasakyan sa EDSA sa pamamagitan ng HOV scheme.
Samantala, marami namang naghain ng petisyon sa Korte Suprema para ibasura ang provincial bus ban na nais ipatupad ng MMDA sa EDSA.