Patay sa Ebola sa DR Congo halos 1,400 na

By Rhommel Balasbas June 13, 2019 - 04:05 AM

AP photo

Nangangamba na ang maraming doktor sa patuloy na pagkalat ng Ebola virus sa Democratic Republic of Congo (DRC) kung saan halos 1,400 katao na ang nasasawi.

Ayon kay Dr. Jeremy Farrar, direktor ng major medical research charity na Wellcome Trust, walang senyales na papahinto ang pagkalat ng virus.

Ani Farrar, ang bagong epidemya ngayon ng sakit sa DR Congo ay ang pinakamalala na simula 2013 hanggang 2016.

Lumabas na rin ang sakit mula sa DR Congo at isang limang taong gulang na bata ang nasawi mula sa kapitbahay na bansa nito na Uganda.

Ito ang kauna-unahang kaso ng Ebola na naitala sa Uganda.

Pitong hinihinalang kaso pa ng virus ang binabantayan ng Ugandan government.

Iginiit ni Farrar na kailangan na ng tulong mula sa ibang bansa para mapigilan ang panganib ng Ebola at hindi kaya ng DRC na harapin itong mag-isa.

 

TAGS: Democratic Republic of Congo, Ebola virus, major medical research charity, patay, virus, Wellcome Trust, Democratic Republic of Congo, Ebola virus, major medical research charity, patay, virus, Wellcome Trust

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.