“This is to advise all candidates and political parties to file their SOCE before the appropriate Comelec office,” pahayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez araw ng Miyerkules.
Sa ilalim ng Republic Act 7166, obligado ang lahat ng tumakbo sa halalan na maghain ng SOCE sa poll body.
Ayon sa Comelec, ang tanggapan ng elected candidate na bigong maghain ng SOCE ay ikokonsiderang bakante hanggang makapagsumite siya sa loob ng anim na buwan matapos ang proklamasyon at kung hindi ay pupunan ng iba ang kanyang pwesto.
Ang late filers na national political parties, party-list organizations at mga senador ay kailangang magmulta ng P10,000.
Ang provincial political parties naman ay pagmumultahin ng P8,500 habang P8,000 naman para sa provincial governors at vice governors.
P7,000 ang multa para sa provincial board members, kongresista, local political parties, alkalde at bise alkalde habang P6,000 ang sa councilors.