Winning candidates binigyan ng ultimatum sa paghahain ng SOCE

By Rhommel Balasbas June 13, 2019 - 03:59 AM

Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na hanggang ngayong araw na lamang ang maaaring maghain ang lahat ng kandidato at political parties sa May 13 elections ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE).

“This is to advise all candidates and political parties to file their SOCE before the appropriate Comelec office,” pahayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez araw ng Miyerkules.

Sa ilalim ng Republic Act 7166, obligado ang lahat ng tumakbo sa halalan na maghain ng SOCE sa poll body.

Ayon sa Comelec, ang tanggapan ng elected candidate na bigong maghain ng SOCE ay ikokonsiderang bakante hanggang makapagsumite siya sa loob ng anim na buwan matapos ang proklamasyon at kung hindi ay pupunan ng iba ang kanyang pwesto.

Ang late filers na national political parties, party-list organizations at mga senador ay kailangang magmulta ng P10,000.

Ang provincial political parties naman ay pagmumultahin ng P8,500 habang P8,000 naman para sa provincial governors at vice governors.

P7,000 ang multa para sa provincial board members, kongresista, local political parties, alkalde at bise alkalde habang P6,000 ang sa councilors.

 

TAGS: comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, late filer, May 13 elections, multa, proklamasyon, Republic Act 7166, SOCE, comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, late filer, May 13 elections, multa, proklamasyon, Republic Act 7166, SOCE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.