Duterte sa umento sa sahod ng mga guro: ‘We’re working on it, but there are millions of them’

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na tuloy ang kanyang pangako na itaas ang sahod ng mga guro.

Gayunman, posible anyang matagalan nang kaunti bago ito maipatupad.

Sa talumpati sa oath taking ng newly elected officials sa Cagayan de Oro City, Miyerkules ng gabi, sinabi ng presidente na ginagawan ng paraan ang umento sa sahod ng mga guro pero dapat umanong ikonsidera na milyun-milyon ang bilang ng mga ito.

“We’re working on it, akong saad, pero timan-i baya there are millions of teachers,” ayon sa pangulo.

Magugunitang ipinananawagan ng mga guro ang salary increase matapos ang malakihang umento sa sahod ng mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel noong 2018.

Pero ayon sa pangul,o hindi hamak na mas kaunti ang bilang ng mga pulis at sundalo kaya’t dinoble ang kanilang sahod.

“Gamay raman ning pulis. Ang pulis something like 160,000, ang military 130,000. Dali ra. Mao nang doblado nani sila karon,” ani Duterte.

Iginiit pa ng pangulo na iprinayoridad ang mga pulis at sundalo dahil sa kahandaan ng mga itong isakripisyo ang kanilang mga buhay para sa bansa.

“Moingon gani ko sa ila nga, ‘Adto ngadto sa Malabang sa Lanao del Sur kay naggiyera didto. Ambak mo sa impyerno, magpakamatay mo.’ Mao gyud na ilang buhaton,” giit ng presidente.

Ang sahod ng entry-level officer sa pulisya ay umaabot na sa P29,668 mula sa base pay na P14,834 habang ang entry-level public school teacher naman ay may monthly salary lamang na P20,754.

 

Read more...