DFA pinag-iingat ang mga Pinoy sa Hong Kong sa gitna ng mga protesta

By Len Montaño June 13, 2019 - 02:54 AM

Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Hong Kong sa gitna ng malawakang protesta doon.

Sa pahayag, hinimok ng DFA ang mga Pinoy na magkaroon ng “extreme caution and vigilance.”

Hinikayat ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang mga Pilipino na umiwas sa mga lugar kung saan nagsasagawa ng mga rally.

Ang mga demonstration areas ay naka-concentrate sa labas ng central offices ng gobyerno partikular sa Legislative Complex, Admiralty at Tamar Park.

“The Philippine Consulate General in Hong Kong released an advisory, asking Filipinos there to keep away from demonstration areas which are generally concentrated outside the government central offices, particularly the Legislative Complex, in Admiralty and in Tamar Park,” nakasaad sa pahayag.

Pinayuhan din ng Consulate General ang publiko na ikunsiderang ire-schedule ang kanilang transakyon sa konsulada liban kung ito ay agaran dahil ang lokasyon ng tanggapan ay malapit sa lugar ng mga rally.

Nakasaad din sa pahayag na ang Filipino community ay dapat na updated sa security situation sa Hong Kong sa pamamagitan ng media reports.

Ayon kay Consul General to Hong Kong Antonio Morales, patuloy ang monitoring nila sa sitwasyon at magbibigay sila ng kaukulang tulong at abiso.

Ang mga protesta sa Hong Kong ay dahil sa kontrobersyal na panukalang batas na magbibigay-daan ng extradition sa mainland China.

 

TAGS: caution, Consul General to Hong Kong Antonio Morales, demonstration areas, DFA, extradition, Filipino community, Hong Kong, Philippine Consulate General, Pilipino, vigilance, caution, Consul General to Hong Kong Antonio Morales, demonstration areas, DFA, extradition, Filipino community, Hong Kong, Philippine Consulate General, Pilipino, vigilance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.