P500K halaga ng shabu nakuha sa estudyante sa Zamboanga

By Rhommel Balasbas June 13, 2019 - 02:37 AM

File photo

Nasabat ng pulisya ang higit kalahating milyong pisong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Armor Village, Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City Miyerkoles ng hapon.

Ayon kay Zamboanga City Police Station 6 chief Major Mark Anthony Karanain, naaresto sa operasyon ang isang 19-anyos na junior high school student.

Nakipagtransaksyon umano ang estudyante sa poseur-buyer nang isagawa ang operasyon laban sa target na kanyang tiyuhin.

Ang tiyuhin ang may direktang kontak sa sindikato na nagsusuplay ng droga para maibenta.

Gayunman, nakatakas ang tiyuhin ng estudyanteng suspek.

Nakuha mula sa estudyanteng suspek ang mahigit 80 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng higit kalahating milyong piso.

Hahanapin ang tiyuhin ng estudyante at kapwa sila sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 80 gramo, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, estudyante, junior high school student, shabu, tiyuhin, Zamboanga City, 80 gramo, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, estudyante, junior high school student, shabu, tiyuhin, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.