Palasyo: China dapat imbestigahan ang banggaan sa Recto Bank; Chinese crew dapat parusahan

By Len Montaño June 13, 2019 - 02:11 AM

Sinabihan ng Malakanyang ang China na imbestigahan nito ang nangyari sa Recto Bank sa West Philippine Sea sa pagitan ng bangkang pangisda ng mga Pilipino at Chinese vessel.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi sibilisado at mapangahas ang pag-abanduna ng barko ng China sa bangka na may sakay na 22 mangingisdang Pilipino na kanilang binangga.

“We call on the appropriate Chinese authorities to probe the collision and impose the proper sanctions to the Chinese crew,” ani Panelo.

Anuman anya ang dahilan ng insidente, aksidente man o sinadya, likas dapat sa sangkatauhan na agad iligtas ang nalulunod na mga Pilipino.

Dagdag ni Panelo, dapat naging prayoridad ang kaligtasan ng crew ng nasirang bangka at natural na reaksyon ang pagtulong sa mga ito.

Hindi anya dapat iniwan ng kapitan ng barko ng China ang nabanggang bangka ng walang kaukulang tulong.

“The Captain and the crew of the Chinese vessel should not have left the injured party without any assistance or succor. Such act of desertion is inhuman as it is barbaric,” pahayag ni Panelo.

Giit ng Kalihim, malinaw itong paglabag sa maritime protocols at tanggap na alituntunin sa pagtulong sa distressed vessel.

Nagpasalamat naman ang Malakanyang sa barko ng Vietnam na tumulong sa mga Pilipino na naiwan sa dagat matapos ang pagbangga ng barko ng China.

Tinutulungan na rin anya ng kaukulang ahensya ng gobyerno ang mga nailigtas na Pinoy.

 

TAGS: bangkang pangisda, barko ng China, China, imbestigahan, mangingisdang Pilipino, maritime protocols, pagbangga, parusahan, Pilipinas, Presidential spokesman Salvador Panelo, Recto Bank, West Philippine Sea, bangkang pangisda, barko ng China, China, imbestigahan, mangingisdang Pilipino, maritime protocols, pagbangga, parusahan, Pilipinas, Presidential spokesman Salvador Panelo, Recto Bank, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.