Robredo suportado ang imbestigasyon sa pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng Pilipinas

By Rhommel Balasbas June 13, 2019 - 01:48 AM

Suportado ni Vice President Leni Robredo ang mungkahing imbestigahan ang nangyaring pagbangga ng barko ng China sa bangkang pangisda ng mga Filipino sa Recto Bank.

Nauna nang ipinanawagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang imbestigasyon sa insidente at ang posibleng paghahain ng diplomatic actions.

Ipinahayag ni Robredo ang buong suporta sa panawagang ito ni Lorenzana at dapat anyang mapanagot ang mga sangkot sa insidente.

“Buo ang aking suporta sa panawagan ng ating AFP (Armed Forces of the Philippines) at ng DND (Departmenf ot National Defense) na imbestigahan ang insidenteng ito, at panagutin ang kinauukulan,” ani Robredo.

Naisiwalat ang banggaan sa mismong Araw ng Kalayaan kaya ayon kay Robredo, dapat magpakita ang mga Filipino ng tapang at dignidad lalo’t kapakanan at kalayaan ng mga mamamayan ang nakasalalay dito.

“Sa ating Araw ng Kasarinlan, magpakita tayo ng tapang at dignidad, lalo na kapag kapakanan at kalayaan ng ating mga mamamayan ang nakasalalay,” ani Robredo.

 

TAGS: bangkang pangisda ng mga Pinoy, barko ng China, Defense Secretary Delfin Lorenzana, diplomatic action, imbestigasyon, pagbangga, panagutin, Recto Bank, suportado, Vice President Leni Robredo, bangkang pangisda ng mga Pinoy, barko ng China, Defense Secretary Delfin Lorenzana, diplomatic action, imbestigasyon, pagbangga, panagutin, Recto Bank, suportado, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.