Eddie Garcia dumanas ng hypotension habang comatose sa ospital

Nananatiling comatose si Eddia Garcia matapos itong maaksidente sa taping ng bagong programa para sa GMA Network.

Kasabay nito sinabi sa Radyo Inquirer ng tagapagsalita ng pamilya at isa sa mga doctor na tumitingin kay Garcia na si Dr. Tony Rebosa na nagkaroon ito ng mga episodes ng hypotension o low blood pressure.

Pero sa ngayon anya ay stable na uli ang blood pressure ng beteranong aktor.

Dagdag ni Dr. Rebosa, mahirap para sa pamilya ni Garcia na makita ang kasalukuyan nitong kalagayan sa ICU ng Makati Medical Center.

Hanggang ngayon anya ay nananatiling unconscious si Garcia dahil sa tindi ng tinamo nitong cervical fracture sa leeg.

 

Read more...