Duterte alam na ang nangyari sa bangka ng Pilipinas at barko ng China sa Recto Bank

By Len Montaño June 13, 2019 - 12:47 AM

File photo

Inaanbangan ng publiko ang magiging pahayag at aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa nangyari sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Senator-elect Bong Go, alam na ng Pangulo ang nangyaring pagbangga ng barko ng China sa bangkang pangisda ng Pilipinas sa naturang lugar.

Nabigyan na anya ng briefing ang Pangulo ukol sa paglubog ng bangka ng 22 mangingisdang Pilipino dahil sa pagbangga sa kanila ng barko ng China.

Sinabi ni Go na si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nagpaalam sa Pangulo ng insidente.

Nasa Mindanao sina Duterte at Lorenzana sa pagdiriwang ng ika-121 taong Araw ng Kalayaan na ginawa sa 6th Infantry Batallion sa Malabang, Lanao del Sur.

 

TAGS: alam na, Araw ng Kalayaan, briefing, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Recto Bank, Rodrigo Duterte, senator-elect bong go, West Philippine Sea, alam na, Araw ng Kalayaan, briefing, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Recto Bank, Rodrigo Duterte, senator-elect bong go, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.