NAIA officials hindi pa babalasahin ni Pangulong Duterte

Malacañang photo

Wala pang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na balasahin ang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pahayag ito ng pangulo matapos nitong sabihin sa surprise inspection sa NAIA noong Lunes na babalasahin niya ang mga taga-NAIA dahil sa mga cancelled at delayed flights.

Sa ngayon, sinabi ng pangulo na susubukan niya munang resolbahin ang problema sa NAIA.

Una rito, nadismaya ang pangulo dahil sa dami ng mga apektadong pasahero bunsod ng delayed at cancelled flights.

 

Read more...