Watawat ng Pilipinas hindi naiwagayway sa Lanao del Sur sa Araw ng Kalayaan

By Chona Yu June 12, 2019 - 11:44 PM

Malacañang photo

Bigo si Pangulong Rodrigo Duterte na masaksihan ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa 6th Infrantry Batallion Headquaters, sa Malabang, Lanao del Sur sa Araw ng Kalayaan.

Ito ay dahil sa hindi na natuloy ang nakatakda sanang flag raising ceremony.

Sa abiso ng Malacañang, alas-2:00 ng hapon sana magsisimula ang programa kahapon pero dumating ang pangulo mag-aalas-6:00 na ng gabi.

Bumuhos din ang ulan sa lugar kung kaya hindi na natuloy ang programa.

Bago dumating sa headquarters, pinangunahan muna ng pangulo ang wreath-laying activity sa monumento ni dating Chief Justice Jose Abad Santos.

Paliwanag ng pangulo, kaya niya pinili na ipagdiwang ang Independence Day sa Lanao, dahil binaril sa Malabang si Santos dahil sa pagpalag niya sa pananakop ng mga Hapon.

Ayon sa pangulo, gaya ni Santos dapat na ipagpatuloy din ng mga Filipino ang paglaban sa mga banta sa kalayaan ng bansa.

Iginiit pa ng punong ehekutibo na tama lamang sa Lanao ipagdiwang ang Independence Day para makasama na rin ang matatapang na sundalo na nakipaglaban sa teroristang Maute group na sumakop sa Marawi noon.

Ayon sa pangulo, kung noon ay nakipaglaban ang mga ninuno sa mananakop, ngayon naman ay nakikipaglaban ang mga Filipino sa modern-colonian threats gaya na lamang ng kahirapan, problema sa kapaligiran, kriminalidad, droga at iba pa.

 

TAGS: Araw ng Kalayaan, dating Chief Justice Jose Abad Santos, flag raising ceremony, independence day, Lanao Del Sur, Malabang, Rodrigo Duterte, wagayway ng watawat, Araw ng Kalayaan, dating Chief Justice Jose Abad Santos, flag raising ceremony, independence day, Lanao Del Sur, Malabang, Rodrigo Duterte, wagayway ng watawat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.