Bilang ng mga patay sa bagyong Nona umakyat na sa 8 ayon sa NDRRMC

By Jan Escosio December 16, 2015 - 03:19 PM

Albay-NOna
Inquirer file photo

Kinumpirma ni Interior Secretary Mel Senen Sarmiento na walo na ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Nona.

Aniya ito ang huling impormasyon na ibinahagi sa pulong nila kanina sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan siya ang nagsisilbing co-Chairman ni Defense Sec. Voltaire Gazmin.

Ayon sa kalihim marami sa mga nasawi ay dahil sa nabagsakan ng mga tumumbang puno sa kanilang mga bahay kaya’t ngayon aniya ay bagong leksiyon na kanilang natutunan na kapag may bagyo ay kailangan na bawasan ang sanga ng mga puno na nasa tabi ng mga bahay.

Sinabi ng opisyal na sa ngayon ay naka-tuon na sila sa relief operations lalo na sa Samar Provinces at Sorsogon na labis na dumanas ng malakas na hagupit ni Nona.

Kasalukuyan na ring namimigay ng tulong sa mga apektadong lugar ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

TAGS: dswd, ndrrmc, Nona. Melor, Pagasa, Sarmiento, dswd, ndrrmc, Nona. Melor, Pagasa, Sarmiento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.