P9M halaga ng cocaine nasabat sa Indonesian sa NAIA

By Len Montaño June 12, 2019 - 11:24 PM

Arestado ang isang pasaherong Indonesian matapos mahulihan ng P9 milyong halaga ng cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) araw ng Miyerkules.

Ayon kay Airport customs district collector Carmelita Talusan, ang dayuhan na nagpuslit ng cocaine ay si Agus Burhan.

Nakuha sa bagahe ni Burhan ang 1.65 kilo ng cocaine.

Nadiskubre ang droga sa isinagawang random check ng mga tauhan ng NAIA Terminal 3.

Nakatago ang kontrabando sa isang sikretong compartment o lalagyan sa bagahe.

Ang suspek ay sakay ng eroplano ng Qatar Airways flight mula Doha.

Itinurn-over ang droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa dayuhang suspek.

TAGS: 1.65 kilo, Airport customs, cocaine, compartment, Indonesian passenger, naia terminal 3, P9 milyong halaga, PDEA, Qatar Airways, random check, 1.65 kilo, Airport customs, cocaine, compartment, Indonesian passenger, naia terminal 3, P9 milyong halaga, PDEA, Qatar Airways, random check

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.