2 sanggol kabilang sa mga nasugatan sa karambola sa Taguig

By Len Montaño June 12, 2019 - 10:50 PM SHARE(S):
Credit: MMDA Spokesperson Celine Pialago

Sugatan ang anim na katao, kabilang ang dalawang sanggol, sa karambola ng mga sasakyan sa Taguig City Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nangyari ang aksidente sa southbound lane ng C5-MCkinley alas 8:01 ng gabi.

Sangkot sa karambola ang dalawang taxi, dalawang trak at isang van.

Ayon pa sa MMDA, ang banggaan ay nagdulot ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa southbound lane dahil walang nakadaan sa dalawang lanes.

Agad namang tumugon sa lugar ang MMDA at Taguig Rescue Team.

Dinala ang mga biktima sa Taguig Pateros Hospital.

TAGS: 1 taxi, 2 sanggol, 2 trak, 2 van, karambola, mmda, sugatan, Taguig Rescue Team, 1 taxi, 2 sanggol, 2 trak, 2 van, karambola, mmda, sugatan, Taguig Rescue Team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.