Sinabi ni Locsin na hihintayin muna niya ang ulat ng West Philippine Task Force at doon niya ibabase ang kanyang magiging hakbang.
Tugon ito ng kalihim sa mga panawagan na maghain na ng diplomatic protest si Locsin laban sa China.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Locsin na nalaman niya ang insidente kay Defense Sec. Delfin Lorenzana.
Aniya nararapat na kondenahin ang ginawang pag-abandona ng mga Chinese sa mga mangingisdang Filipino na sakay ng lumubog na F/B Gimver 1.
Sinagip ng mga mangingisdang Vietnamese ang mga Filipino at dinala sa ligtas na lugar base sa gabay ng AFP Western Command.
Giit ni Locsin, na nasa Geneva, Switzerland, hindi siya kikilos base sa mga media reports.