Aksyon sa insidente sa Recto Bank nakadepende sa ulat ng West Philippine Task Force

By Jan Escosio June 12, 2019 - 10:24 PM

Alam na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang insidente sa Recto Bank na kinasasangkutan ng mga barkong pangisda ng mga Filipino at Chinese.

Sinabi ni Locsin na hihintayin muna niya ang ulat ng West Philippine Task Force at doon niya ibabase ang kanyang magiging hakbang.

Tugon ito ng kalihim sa mga panawagan na maghain na ng diplomatic protest si Locsin laban sa China.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Locsin na nalaman niya ang insidente kay Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Aniya nararapat na kondenahin ang ginawang pag-abandona ng mga Chinese sa mga mangingisdang Filipino na sakay ng lumubog na F/B Gimver 1.

Sinagip ng mga mangingisdang Vietnamese ang mga Filipino at dinala sa ligtas na lugar base sa gabay ng AFP Western Command.

Giit ni Locsin, na nasa Geneva, Switzerland, hindi siya kikilos base sa mga media reports.

 

TAGS: aksyon, Diplomatic PRotest, F/B Gimver 1, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, Recto Bank, West Philippine Task Force, aksyon, Diplomatic PRotest, F/B Gimver 1, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, Recto Bank, West Philippine Task Force

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.