3 drug suspects, arestado sa Oplan Galugad sa Navotas
Timbog ang tatlong drug suspects sa isinagawang Oplan Galugad sa Market 1, Fish Port, Brgy. NBBS Proper, Navotas City alas 4:30, Miyerkules ng hapon.
Nakilala ang mga suspek na sina Emmanuel Monroy, 29 anyos, Jhofel Quimbo, 31 anyos at Jonalyn Quimbo, 30 anyos.
Nakuha sa mga suspect ang walong ice bag na may lamang hinihinalang shabu, dalawang baril, mga bala, buy-bust money, at ilang drug paraphernalia.
Nabatid na sina Jhofel at Jonalyn Quimbo ay mga anak ng isang umanoy notorious na drug pusher na si Dodong Diamond.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Navotas City Police Station.
Nahaharap ang mga ito sa patong-patong na kaso tulad ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at Omnibus Election Code dahil umiiral pa rin ang election gun ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.