Militar: Paglubog ng bangkang pangisda ng Pilipinas sa Recto Bank sinadya ng barko ng China

By Len Montaño June 12, 2019 - 10:00 PM

Lumalabas na “intentional” o sinadya ang banggaan sa Recto Bank sa West Philippine Sea kung saan tinamaan at pinalumubog ng barko ng China ang bangkang pangisda ng Pilipinas noong June 9.

Ayon kay Western Command spokesperson Lt. Col. Stephen Penetrante, hindi tumigil ang barko ng China.

“Kung titingnan ninyo po sa incident report, may intentionality eh, kasi hindi tumigil [ang vessel],” ani Penetrante.

Inihalintulad ni Penetrante ang pangyayari sa “hit and run” at malayo anyang aksidente ang nangyari batay na rin sa kwento ng mga mangingisda.

“It’s far from accidental kasi kung accidental po ito the SOP should be, they should stop ‘di po ba? And then they should rescue these fishermen natin ano po. E nung tinamaan nila ‘yung FB Gimver 1 ay ano po sila dire-diretso sila. Hindi nila tinigilan, hindi sila tumigil,” ayon sa opisyal.

Ikinasa ng military ang masusing imbestigasyon para malaman kung ano talaga ang nangyari sa Recto Bank na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Unang kinondena ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang insidente na anyay karuwagan sa panig ng mga Chinese na iwan ang mga Pilipinong sakay ng bangkang kanilang binangga.

Dalawamput-dalawang mangingisdang Pinoy ang nailigtas ng mga mangingisdang Vietnamese na nasa malapit na lugar.

 

TAGS: bangaan, bangkang pangisda, barko ng China, EEZ, hit and run, intentional, Lt. Col. Stephen Penetrante, Recto Bank, sinadya, West Philippine Sea, Western Command, bangaan, bangkang pangisda, barko ng China, EEZ, hit and run, intentional, Lt. Col. Stephen Penetrante, Recto Bank, sinadya, West Philippine Sea, Western Command

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.