11-anyos na cancer survivor, binigyan ng ‘golden buzzer’ sa America’s Got Talent

By Angellic Jordan June 12, 2019 - 09:10 PM SHARE(S):

Binigyan ng golden buzzer ang 11 taong gulang na cancer survivor sa talent show na “America’s Got Talent.”

Nakuha ni Tyler Butler Figueroa, residente sa North Carolina, ang golden buzzer mula sa huradong si Simon Cowell.

Sa ipinost na video ng talent show sa YouTube, makikitang ipinatugtog ni Figueroa ang rendition ng hit song ni Kelly Clarkson na “Stronger” gamit ang violin.

Unang na-diagnose si Figueroa ng Leukemia noong apat na taong gulang pa lamang siya.

Naibahagi rin ng ina ni Figueroa kung paano nakatulong ang pagtugtog ng violin sa paggaling nito sa nasabing sakit.

Maliban sa golden buzzer, nakatanggap din ng standing ovation si Figueroa mula sa mga nanonood at mga huradong sina Julianne Hough, Gabrielle Union at Howie Mandel.

Sa ngayon, umani na ang YouTube video ng mahigit 3 milyong views.

TAGS: america's got talent, golden buzzer, Tyler Butler Figueroa, america's got talent, golden buzzer, Tyler Butler Figueroa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.