NAIA security personnel huli sa ‘hulidap’

By Jan Escosio June 12, 2019 - 08:58 PM

NAIA Terminal 2 | File Photo

Inaresto ang isang tauhan ng DOTR-Office for Transportation dahil sa pagkuha ng pera ng isang turistang Hong Kong national sa Ninoy Aquino Inernational Airport (NAIA) Terminal 2.

Nabatid na ang pag-aresto kay Nissan Villarino ng mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ay base sa reklamo ni Jackie Freeman Yuen.

Sa Facebook post ni Yuen, nalaman ng mga opisyal ng MIAA ang ginawang pagtangay ni Villarino sa pera ng turista noong hapon ng nakaraang Lunes, June 10.

Nabatid na pasakay na ng eroplano ng Philippine Airlines (PAL) si Yuen kasama ang mga kaibigang turista nang harangin siya ni Villarino sa final security screening.

Aniya, kinuha ni Villarino mula sa loob ng kaniyang backpack ang pera at tumanggi ang suspek na isauli ito sa kabila ng mga pakiusap ni Yuen.

Hindi na pormal na nakapagreklamo si Yuen dahil paalis na ang kanilang eroplano.

Pagdating nito sa Hong Kong ay agad itong nag-post sa kanyang Facebook account ukol sa kanyang karanasan sa NAIA at nalaman ito ng mga opisyal ng NAIA.

Agad naman inamin ni Villarino ang ginawa nang ito ay arestuhin kaya’t binawi na ang kanyang airport pass.

Nabatid na maaring maghain ng kanyang pormal na reklamo si Yuen sa konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong.

TAGS: Jackie Freeman Yuen, MIAA, NAIA terminal 2, Nissan Villarino, Jackie Freeman Yuen, MIAA, NAIA terminal 2, Nissan Villarino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.