Bilang ng mga dumalo sa job fair sa Araw ng Kalayaan, umabot sa 21,000
Umabot na sa 21,722 na katao ang dumalo sa Kalayaan Job Fair sa buong bansa ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE.
Sa mahigit 21,000 na aplikante, nasa 15,957 naman ang naging qualified.
9,327 ang naideklarang ‘near hire’ habang nasa 2,818 naman ang ‘hired on the spot.’
Lumahok ang 1,582 na iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at private companies sa nasabing job fairs.
Samantala, ayon kay DOLE Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay, naging maayos naman ang takbo ng mga fairs sa bansa.
Dagdag pa niya, maganda ang naging venue ng job fair sa Ermita, Maynila ngayong taon dahil sa isang covered court na ginanap at komportable ang mga jobseekers at employeers.
Kumpara aniya ito sa mga nakaraang job fair sa Luneta kung saan ay nakabilad o kaya naman kung minsa’y inuulan.
Dinagsa rin ng daan-daang aplikante ang naging job fair sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.