Kasabay nito, pinulong ni Cusi, bilang cabinet officer for Regional Development and Security for Region IV-B ang regional police kaugnay sa insidente at nag-alok ng kalahating milyong pabuya para sa ikalulutas ng kaso.
Tiniyak ng kalihim na hindi gagawin ng administrasyong Duterte ang lahat para maresolba ang tangkang pagpatay kay Caranzo.
Pagdidiin pa nito, hindi palalagpasin ng gobyerno ang anumang karahasan sa isang kawani ng gobyerno na ginagawa ang kaniyang tungkulin.
Binaril ng riding-in-tandem criminals si Caranzo sa Barangay Poblacion sa Calapan noong Lunes ng umaga.
Ginagamot ang 49-anyos na biktima sa Medical Mission Group Hospital.
Hindi pa batid ang tunay na motibo sa kaso.