Sec. Alfonso Cusi, nag-alok ng P500,000 reward sa slay-try sa prosecutor ng Oriental Mindoro
Binisita sa ospital ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Provincial Prosecutor Josephine Carpio-Caranzo na tinambangan sa Calapan, Oriental Mindoro noong Lunes ng umaga.
Kasabay nito, pinulong ni Cusi, bilang cabinet officer for Regional Development and Security for Region IV-B ang regional police kaugnay sa insidente at nag-alok ng kalahating milyong pabuya para sa ikalulutas ng kaso.
Tiniyak ng kalihim na hindi gagawin ng administrasyong Duterte ang lahat para maresolba ang tangkang pagpatay kay Caranzo.
Pagdidiin pa nito, hindi palalagpasin ng gobyerno ang anumang karahasan sa isang kawani ng gobyerno na ginagawa ang kaniyang tungkulin.
Binaril ng riding-in-tandem criminals si Caranzo sa Barangay Poblacion sa Calapan noong Lunes ng umaga.
Ginagamot ang 49-anyos na biktima sa Medical Mission Group Hospital.
Hindi pa batid ang tunay na motibo sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.