Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, mapayapa – PNP

By Angellic Jordan June 12, 2019 - 08:47 PM SHARE(S):

Naging mapayapa ang pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Police Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, walang napaulat na untoward incident sa kasagsagan ng kaliwa’t kanang programa sa bansa.

Gayunman, sinabi ni Banac na tuloy pa rin ang pagiging alerto ng kanilang hanay para maiwasan ang anumang uri ng krimen.

Tinutukan din aniya ng mga pulis ang kilos-protesta ng iba’t ibang grupo sa US Embassy sa Maynila at Chinese Embassy sa Makati City.

Handa pa rin aniya ang PNP oras na magkaroon ng emergency.

TAGS: Araw ng Kalayaan, Col. Bernard Banac, PNP, Araw ng Kalayaan, Col. Bernard Banac, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.