Tiniyak ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na may privacy safeguards ang ilalabas na National ID.
Ginawa ni Drilon ang pagtitiyak kasunod ng anunsiyo ng Palasyo ng Malakanyang na sisimulang ilatag ang national ID system sa darating na Setyembre.
Giit nito, protektado pa rin ang mga personal na detalye ng mamamayan sa ilalabas na national ID.
Aniya, kung ano ang detalye na ibinibigay para sa mga government issues IDs ay katulad lang sa ilalagay sa pambansang ID.
Paliwanag pa ni Drilon, layon lang ng national ID na mapabilis ang proseso sa mga serbisyong publiko bagamat ito ay magagamit din sa mga pribadong transaksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.