KAPA Community Ministry members, nagsagawa ng prayer rally sa QC Memorial Circle

By Noel Talacay June 12, 2019 - 08:50 PM SHARE(S):
Kuha ni Noel Talacay

Nagsagawa ng isang prayer rally ang mga miyembro ng KAPA Community Ministry International Incorporated sa Quezon City Memorial Circle.

Ayon sa lider ng Ahon sa kahirapan Movement na si Dr. Danny Mangahas, itinaon nila sa Araw ng Kalayaan ang programa para lahat ng iba nilang miyembro na may mga trabaho ay makakadalo.

Aniya, layon ng prayer rally na managwagan kay Pangulong Duterte para magsagawa ng imbestigasyon at payagan na muli silang makapag-operate.

Gusto rin nilang ipakita sa publiko na malinis ang kanilang grupo at hindi sila scam, ayon kay Mangahas.

Iginiit din nito na kaakibat nila ang gobyerno sa programa nitong kontra kahirapan.

Dagdag pa niya, hindi sila kriminal at walang religious war na nangyayari sa pagitan ng KAPA at grupo ni Pastor Quiboloy.

TAGS: Araw ng Kalayaan, KAPA Community Ministry, prayer rally, Quezon City Memorial Circle, Araw ng Kalayaan, KAPA Community Ministry, prayer rally, Quezon City Memorial Circle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.