Malakanyang, tikom ang bibig sa laman ng SONA ni Pangulong Duterte

By Chona Yu June 12, 2019 - 08:48 PM SHARE(S):

Wala pang ideya si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa lalamanin ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Panelo, kung pagbabasehan ang mga nakaraang SONA, maaring maging spontaneous na naman ang pangulo.

May mga pagkakataon kasi aniya na hindi binabasa ng pangulo ang nakahandang script sa SONA at may isinisingit na personal na mensahe sa taong bayan.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na ayaw niya munang pangunahan ang pangulo kung ano ang kanyang ilalatag sa publiko sa kanyang SONA sa July 22.

TAGS: Pangulong Duterte, Salvador Panelo, SONA, Pangulong Duterte, Salvador Panelo, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.