Pinay worker, ginahasa at binugbog ng isang pulis sa Kuwait – DFA

By Angellic Jordan June 12, 2019 - 08:13 PM

Ginahasa at binugbog ang isang overseas Filipino worker (OFW) ng pulis sa Kuwait, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nakilala ang responsable sa panggagahasa na si Fayed Naser Hamad Alajmy, pulis sa nasabing bansa.

Ayon kay Chargé d’Affaires Mohd Noordin Lomondot, tinulungan ni Alajmy ang Pinay na magrehistro sa pamamagitan ng finger-scanning sa isang paliparan pagkadating sa Kuwait noong June 4.

Matapos ito, dinukot na ni Alajmy ang Pinay worker at saka binugbog at ginahasa.

Ayon sa mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na otoridad para maaresto ang 22-anyos na suspek.

Ani Lomondot, naglabas na ang mga otoridad sa Kuwait ng warrant of arrest laban sa suspek.

Nakikipagtulungan din sa mga otoridad ang employer ng Pinay worker.

Tiniyak naman ng DFA na gagawin ang lahat ng paraan para makamit ang hustisya sa kaso.

TAGS: Chargé d'Affaires Mohd Noordin Lomondot, DFA, Fayed Naser Hamad Alajmy, ofw, Chargé d'Affaires Mohd Noordin Lomondot, DFA, Fayed Naser Hamad Alajmy, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.