Impeachment vs Duterte, malabong matuloy kung ang susunod na House Speaker ay kaalyado ng administrasyon – Pacquiao

June 12, 2019 - 08:01 PM SHARE(S):
PCOO Facebook page

Malabong magtagumpay ang impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kung ang susunod na uupo bilang House Speaker ay miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ayon kay Senador Manny Pacquiao.

Paliwanag ng senador, hindi matutuloy ang impeachment kung ang magiging House Speaker ay kaalyado ng PDP-Laban hanggang sa matapos ang termino ng pangulo.

Isa aniya sa tinitignang batayan ng partido sa susuportahang kandidato sa pagka-speaker ay ang katapatan sa Punong Ehekutibo at sa mga programa nito.

Ani Pacquiao, importanteng makuha ng pangulo ang suporta para sa huling tatlong taon ng kaniyang administrasyon para sa tuluy-tuloy na pagbabago sa bansa.

Sinabi ng senador na nakatakda siyang makipagpulong sa pangulo sa araw ng Huwebes o Biyernes para talakayin ang House Speakership.

Matatandaang si Pacquiao ang inatasang mag-anunsiyo ng kandidatong susuportahan ng PDP-Laban.

TAGS: House Speakership, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, Sen. Manny Pacquiao, House Speakership, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, Sen. Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.