2 whistleblower sa ‘ghost dialysis claims,’ maaring mag-apply sa witness protection – DOJ

By Angellic Jordan June 12, 2019 - 07:48 PM

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na maaaring mag-apply sina Edwin Roberto at Liezel Santos De Leon sa witness protection program (WPP) ng ahensya.

Sina Roberto at De Leon ang dalawang dating empleyado ng WellMed Dialysis Center na naglabas ng umano’y scam sa ghost dialysis claims sa PhilHealth.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, walang humaharang sa dalawang whistleblower sa pag-aapply sa WPP ng ahensya.

Gayunman, ‘premature’ aniya ang posibleng pagpasok ng dalawa sa WPP hangga’t hindi nareresolba ang kasong estafa at falsification of documents laban sa kanila.

Sinabi naman ng kalihim na masusi pa ring magsasagawa ng evaluation sa kanilang aplikasyon.

TAGS: department of justice, edwin roberto, ghost dialysis, Liezel Santos De Leon, philhealth, Witness Protection Program, department of justice, edwin roberto, ghost dialysis, Liezel Santos De Leon, philhealth, Witness Protection Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.