Bureau of Immigration, binalasa sa pwesto ang mga opisyal sa ilang paliparan

By Angellic Jordan June 12, 2019 - 07:13 PM

Nagkaroon ng reshuffling ang Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at paliparan sa Mactan at Iloilo.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na ito ay kasunod ng revamp operation at para maiwasan ang isyu ng korupsyon.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, layon din nitong mabigyan ng pagkakataon ang ibang opisyal na magsilbi sa operasyon ng paliparan.

Apektado sa reshuffling ang nasa 12 senior officer ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU).

Hindi naman binanggit ang mga pangalan ng mga apektadong opisyal.

Itinalaga si Ma. Timotea Barizo bilang overall chief ng TCEU na magiging responsable sa pagsasagawa ng secondary inspection sa mga padating at paalis na pasahero.

Ani Barizo, tututukan niya ang operasyon para maiwasan ang pagpapadala ng mga menor de edad na overseas Filipino worker.

Samantala, sinabi ni Morente na mas maraming airport official ang mapapasama sa susunod na reshuffling ng ahensya.

TAGS: Iloilo, mactan, NAIA, reshuffling, Iloilo, mactan, NAIA, reshuffling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.