Bangkang pangisda mula sa Pilipinas, lumubog matapos mabangga ng Chinese vessel sa WPS

Inabandona ng isang Chinese fishing vessel ang lumubog na bangkang pangisda mula sa Pilipinas makaraang magsalpukan sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na naganap ang insidente noong Linggo ng gabi, June 9.

Nabangga aniya ng isang Chinese fishing vessel ang F/B GIMVER 1 kung saan lulan ang 22 Filipino crew members.

Ayon sa kalihim, kinondena nito ang hindi pagtulong ng Chinese vessel at agad lamang iniwan ang bangka ng mga Pinoy.

“We denounce the actions of the Chinese fishing vessel for immediately leaving the incident scene abandoning the 22 Filipino crewmen to the mercy of the elements,” pahayag ni Lorenzana.

Sinabi pa ng kalihim na hindi ito ang inaasahang aksyon mula sa isang responsable at palakaibigang mga tao.

“We condemn in the strongest terms the cowardly action of the Chinese fishing vessel and its crew for abandoning the Filipino crew. This is not the expected action from a responsible and friendly people,” ani Lorenzana.

Dahil dito, nananawagan si Lorenzana na magsagawa ng pormal na imbestigasyon para hindi na maulit ang nasabing insidente.

Nagpasalamat naman ang kalihim sa kapitan at crew member ng isang Vietnamese fishing vessel na tumulong sa mga mangingisdang Pinoy.

“We thank the captain and crew of Vietnamese vessel, for saving the lives of the 22 Filipino crew,” ayon pa kay Lorenzana.

Naging katuwang sa pagsagip sa mga mangingisdang Pinoy ang BRP Ramon Alcaraz ng Philippine Navy.

Read more...