24/7 construction sa Sangley Airport, ipinag-utos ni Sec. Tugade
Ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagpapasagawa ng konstruksyon sa Sangley Point International Airport sa Cavite nang 24 oras.
Inilabas ni Tugade ang kautusan kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat maging operational ang Sangley Point sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.
Maliban dito, sinabi pa ng kalihim na kumuha nang karagdagang manggagawa para matiyak na matatapos ito sa mismo o bago ang itinakdang deadline ng pangulo.
Kasabay nito, nakipagpulong si DOTr Assistant Secretary for procurement and project implementation Giovanni Lopez sa mga miyembro ng Task Force Sangley.
Kabilang sa task force ang mga representante mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Air Force, ferry system at project contractor.
Pinaalalahanan ni Lopez ang CAAP na dapat makipagtulungan sa DOTr sa konstruksyon ng Sangley Point.
Ilan sa mga dapat ayusin sa lugar ang runway, apron, passenger terminal building, suplay ng kuryente, drainage system at site development.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.