Lolong gumahasa sa dalagitang apo sa Tondo, Maynila arestado

By Clarize Austria June 12, 2019 - 03:40 PM SHARE(S):

Inaresto ng pulisya ang lolo na nanggahasa sa kaniyang dalagitang apo sa Tondo, Maynila noong Lunes, June 10.

Ayon sa ulat, hinalay ng suspek na si Henry Castro, 63-anyos, ang kanyang 13 taong gulang na apo sa kanilang tahanan.

Sa salaysay ng biktima, bigla siyang ginising ng lolo sa pagkakatulog, pinagtanggal ang salawal at saka ginasaha.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ang suspek.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Rape. / Clarize Austria

 

TAGS: Republic Act 8353 o Rape., Republic Act 8353 o Rape.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.