Pulis, timbog matapos bantaan ang 2 tricycle driver sa Rizal

By Angellic Jordan June 12, 2019 - 03:31 PM SHARE(S):

Arestado ang isang pulis makaraang pagbantaan umano ang dalawang tricycle driver sa Cainta, Rizal Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon kay Lt. Col. Alvin Ruby Consolacion, hepe ng Cainta police, pauwi na si Corporal Leonard Alonzo galing inuman nang madaanan ang mga biktimang nagkukwentuhan sa bahagi ng Barangay San Isidro bandang 2:00 ng madaling-araw.

Si Alonzo ay aktibong pulis sa Marikina City.

Tinutukan umano ng baril ni Alonzo ang mga biktima dahil sa pag-aakalang pinagtatawanan siya ng mga ito.

Agad inireklamo ng mga biktima si Alonzo.

Gayunman, iniurong ng mga biktima ang kaso makaraang makipag-areglo si Alonzo.

Ngunit, itutuloy naman ng Cainta police ang kasong paglabag nito sa umiiral na gun ban. / Angellic Jordan

 

TAGS: Lt. Col. Alvin Ruby Consolacion, Lt. Col. Alvin Ruby Consolacion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.