Suspek sa pagpatay sa grade 12 student sa Quezon City, naaresto na

By Noel Talacay June 12, 2019 - 03:21 PM SHARE(S):

Naaresto na ang suspek na pumatay sa 18-anyos na babaeng Grade 12 student sa Barangay Payatas B. sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Elimond Domingo, 25-anyos, at nakatira sa nasabing lugar.

Nahuli ang suspek sa inuupahan nitong kwarto sa Barangay Payatas B sa isinagawang follow-up operation ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District bandang 10:00, Lunes ng gabi.

Positibo namang itinuro ng saksi si Domingo bilang pangunahing suspek sa nasabing pagpatay sa biktima.

Noog June 7, natagpuang patay si Allison Dacillo, tubong Bicol at nakatira rin sa nasabing barangay.

Sa resulta ng medico legal examination, nagtamo ang biktima ng saksak sa leeg, kaliwang kamay at kaliwang bahagi ng katawan nito.

lumabas din sa eksaminasyon na positibong ginahasa ang biktima.

Napag-alaman ding dati nang may kaso kontra sa ilegal na droga ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso tulad ng rape, robbey with homicide at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. / Noel Talacay

 

TAGS: QCPD, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.