Appointment at iba pang personnel actions sa PIA, pinaaprubahan muna sa PCOO
Nagpalabas na ng department order no. 6 si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na nag-aatas sa director general at deputy director general ng Philippine Information Agency (PIA) na kinakailangan na aprubahan niya muna ang lahat ng appointment at iba pang lersonbel actions ng State Run News Agency.
Inilabas ni Andanar ang department order noong June 10 habang nasa kasagsagan ng pag-iimbestiga ang PCOO kay PIA director general Harold Clavite dahil sa isyu ng korupsyon.
Ayon kay Andanar, ang PCOO ang final approving authority sa lahat ng appointment at iba pang personnel actions sa PIA.
Kabilang sa personnel actions ang hiring, appointment, transfer, detail, secondment, suspension at termination ng PIA officials, employees at personnel.
Ayon kay Andanar, kinakailangan ding makipag-ugnayan ang PIA director general at deputy director general sa kanya para masiguro na magiging maayos ang pamamalakad sa PIA.
Sinabi naman ni Clavite na natanggap niya ang department order noong June 11.
Ayon kay Clavite, tinanggalan na siya ng kapangyarihan ng PCOO bagay na pinasinungalingan ni Andanar.
Ayon kay Clavite, nagdesisyon si Andanar sa reklamo na base sa anonymous letter.
Una nang pinabulaanan ni Clavite ang mga alegasyon laban sa kanya. / Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.