10 raliyista, inaresto matapos magtangkang mag-rally sa Aguinaldo Shrine sa Cavite

By Angellic Jordan June 12, 2019 - 02:40 PM

Bonifacio Shrine Manila City Hall | Kuha ni Angellic Jordan

Naaresto ang 10 miyembro mula sa iba’t ibang guro na nagbalak magsagawa ng kilos-protesta sa Kawit, Cavite.

Magkakasa sana ng protesta ang mga grupo sa lugar kasabay ng selebrasyon ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan  sa Aguinaldo Shrine.

Dumalo sa programa sa lugar sina dating Pangulong Fidel Ramos, Senador Cynthia Villar, dating Prime Minister Cesar Virata at ilang kaanak ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo.

Ayon sa Cavite police, hinuli ang ilang raliyista makaraang makita ang paghahanda ng mga placard sa idinaos na programa.

Sa ngayon, ang mga hinuling raliyista ay nasa Kawit police station. / Angellic Jordan

 

TAGS: Aguinaldo Shrine, Araw ng Kalayaan, cavite, Cesar Virata, emilio aguinaldo, Fidel Ramos, Kawit, kilos-protesta, Senador Cynthia Villar, Aguinaldo Shrine, Araw ng Kalayaan, cavite, Cesar Virata, emilio aguinaldo, Fidel Ramos, Kawit, kilos-protesta, Senador Cynthia Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.