Bukas si Chief Justice Lucas Bersamin sa posibleng pagsasagawa ng imbestigasyon ng United Nationals Human Rights Council (UNHRC) sa umano’y ‘unlawful killings’ sa kasagsagan ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa flag raising ceremony sa Bonifacio Monument, sinabi ni Bersamin na posibleng may katotohanan ang mga alegasyon.
Ngunit, inamin din ng punong mahistrado na hindi niya maintindihan ang tinutukoy ng UNHRC.
Ayon pa kay Bersamin, nauunawaan nito na kailanman walang makukuntento sa kondisyon ng karapatang pantao sa bansa.
Dahil ito aniya ay laging kabaliktaran ng otoridad.
Hindi bababa sa 11 human rights experts ang nanawagan ng pagsasagawa ng independent probe sa umano’y ‘unlawful killings’ dahil sa war on drugs. / Angellic Jordan