2 tulak ng droga, timbog sa buy-bust operation sa isang hotel sa Lucena

By Angellic Jordan June 12, 2019 - 02:23 PM SHARE(S):

Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa isang hotel sa Lucena City, Quezon Martes ng gabi.

Batay sa ulat ng Quezon police, nahuli ang mga suspek na sina Karen Gicana, 35-anyos, at Calvin Renz Vegamora, 25-anyos, makaraang positibong mabilhan ng pulis na nagsilbing poseur-buyer sa operasyon.

Isinagawa ang operasyon sa loob ng isa sa mga kwarto ng Greenview Hotel sa bahagi ng Barangay Ilayang Iyam bandang 11:45 ng gabi.

Nakuha sa mga suspek ang anim na pakete ng shabu na may bigat na 13.6 grams at may Dangerous Drugs Board value na P25,160.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. / Angellic Jordan

 

TAGS: buy bust operation, Dangerous Drugs Board, Greenview Hotel, Quezon police, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002., shabu, buy bust operation, Dangerous Drugs Board, Greenview Hotel, Quezon police, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002., shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.