Hindi magkakaroon ng ‘Fujiwara effect’ ang bagyong Nona at Onyok-PAGASA
Malabong magkaroon ng ‘Fujiwara effect’ sa pagitan ng bagyong Nona at Onyok kahit pag mag-aabot ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA Forecaster Aldczar Aurello, kinakaialngang pareho ng lakas ang bagyo para magkaroon ng Fujiwara effect. Sa ngayon ang bagyong Nona ay isa aniyang Typhoon habang tropical depression naman ang papasok na bagyong Onyok kaya hindi pareho ang kanilang lakas.
Maliban dito, masyado aniyang malayo ang pagitan ng dalawang nabanggit na bagyo.
Ang nasabing tropical depression ay huling namataan ng PAGASA sa 1,180 kilometer east ng Mindanao.
Taglay ng nasabing bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kph at kumikilos sa direksyong West Northwest sa bilis na 23 kph.
Ayon kay Aurello, inaasahang sa Huwebes o Biyernes ay makaaapekto ito sa Davao-Caraga region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.