WATCH: Ikalawang trailer ng Frozen 2 inilabas ng Disney

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2019 - 11:56 AM SHARE(S):

Inilabas na ng Disney ang panibago at mas detalyadong trailer Frozen 2.

Sa official trailer, ipinakita ang pagkakahulog ni Elsa sa tubig.

Mayroon ding kumakausap sa kaniya at hinihimok siyang alamin ang katotohanan kaugnay sa kaniyang nakaraan.

Makikita rin sa trailer ang mga karakter nina Anna, Olaf at Kristoff.

Tampok pa rin sa Frozen 2 ang mga boses nina Idina Menzel, Kristen Bell, Jonathan Groff at Josh Gad.

Sa Nobyembre 2019 ang release date ng Frozen 2.

TAGS: alsa and anna, Disney, Frozen 2, Official trailer, alsa and anna, Disney, Frozen 2, Official trailer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.