78 kilong karne, 1,200 na lata ng Ma Ling nakumpiska sa Legazpi City

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2019 - 10:58 AM

Aabot sa 78 kilo ng karne at mahigit isang libong de lata ang nakumpiska sa Legazpi City.

Ang operasyon ay ginawa ng National Meat Inspection Service bilang bahagi ng crackdown sa mga karne ng baboy upang masiguro na hindi maaapektuhan ng African Swine Fever ang Pilipinas.

Ayon kay Ferdinand Samar, ng Bicol Communicators and Environmental Rescue Group, nakumpiska ang mga karne sa Albay District Market at sa Legazpi City Public Market.

Maliban sa 78 kilo ng karne ng baboy, may nakumiska ring 1,200 na lata ng Ma Ling sa isang sinalakay na stock room sa lungsod.

Sa mga pinuntahang palengke ay kinumpiska din ang incandescent bulbs na ginagamit ng ilang vendors.

Bawal ang paggamit nito sa ilalim ng Consumers Act dahil ginagamit ang ilaw para palabasing maganda pa ang kulay ng karneng ibinebenta.

TAGS: African Swine Fever, consumers act, Legazpi City, Radyo Inquirer, African Swine Fever, consumers act, Legazpi City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.