Bata patay sa sunog sa Iloilo City

By Jimmy Tamayo June 12, 2019 - 10:45 AM SHARE(S):

Patay ang 4 na taong gulang na bata nang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Rizal, Iloilo City, Martes ng gabi.

Kinilala ang bata na si Daniel John Peralta na natagpuang ang mga labi sa loob ng banyo.

Nakaligtas naman ang magulang at dalawang kapatid ni Daniel John.

Ayon sa mga ito hindi nila namalayan na naiwan sa banyo ang bata.

Pasado alas-9:00 ng gabi ng sumiklab ang apoy at mabilis na kumalat sa 3 magkakatabing bahay na pawang gawa sa mga light materials.

Aabot sa P75,000 ang halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog.

TAGS: fire incident, iloilo city, Radyo Inquirer, fire incident, iloilo city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.