LOOK: Independence Day rites sa Monumento, Caloocan pinangunahan ni CJ Bersamin
Si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ang nanguna sa aktibidad ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Monumento Circle sa Caloocan.
Pinangunahan ni Bersamin ang flag raising ceremony sa monumento ni Gat Andres Bonifacio.
Sa kaniyang talumpati ay hinimok ni Bersamin ang sambayanan na magkaisa at mag-ambag para sa ikauunlad ng bansa at pahalagahan ang nakamit na kalayaan.
Hinamon din ng punong mahistrado ang bawat Filipino na huwag umasa ng tulong sa mga dayuhan at maging masikap.
Sa hiwalay na panayam kay Bersamin pagkatapos ng selebrasyon ay nilinaw naman nitong wala siyang pinatutungkulan na partikular na bansa sa kaniyang naging pahayag.
Kasama din sa dumalo sa akdibidad sina Northern Police District Dir. Rolando Anduyan, Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, Vice Mayor Luis Macario Asistio, at Cong. Edgar Erice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.