LOOK: P6 at P12 na discount sa diesel at gasolina alok ng Phoenix Petroleum sa mga motorista na may kapangalang bayani

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2019 - 09:18 AM SHARE(S):

Ang pangalan mo ba o apilyido ay kahalintulad ng apilyido ng bayani?

Nag-alok ng diskwento ang kumpanyang Phoenix Petroleum sa mga motorista na may kapangalang bayani ngayong Araw ng Kalayaan.

Kung ang motorista ay may pangalan o apilyido na katulad ng sa bayani, may discount itong P6 sa kada litro ng diesel at P12 naman sa kadalitro ng gasolina.

Pasok sa promo ang mga pangalan at apilyidong Jose, Rizal, Andres, bonifacio, Emilio, Aguinaldo, Apolinario, Mabini, Marcelo, Del Pilar, Juan, Luna at maraming iba pang 1st name at surname ng bayani.

Ayon a Phoenix, mapa-1st name, middle name o surname ng motortista ang kahalintulad sa pangalan ng bayani ay pasok sa promo.

Kabilang sa mga istasyon ng Phoenix na nakilahok sa promo mula alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules aya ng mga sumusunod:

Sucat Skyway
MOA
Naga Road
Daang Hari
Dahlia
Congressional
Timog
Molino Blvd 1
Molino Blvd 2
Marcos Hi-way
Amang Rodriguez Pasig
Shaw Boulevard

TAGS: diesel, discount, gasoline, Phoenix petroleum, diesel, discount, gasoline, Phoenix petroleum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.