Ito ay matapos na maglandfall pa kaninang madaling araw ang bagyo sa bahagi ng Lubang Island sa Occidental Mindoro.
Ito na ang ika-anim na landfall ng bagyong Nona.
Sa Weather Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Nona sa 90 kilometers West ng Ternate Cavite.
Taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 150 kilometers kada oras.
Mas mabagal na ang kilos ng bagyong Nona sa 7 kilometers kada oras sa direksyong West Northwest.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Bataan, Southern Zambales, Cavite, Batangas at Lubang Island habang signal number 1 naman sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Zambales, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Rizal, Laguna, Northern Occidental Mindoro at Northern Oriental Mindoro.
Ayon kay PAGASA forecaster Aldczar Aurello, patuloy nang hihina ang bagyong Nona.
Bukas ay inaasahang magiging isang tropical storm na lamang ang bagyo, magiging isang tropical depression sa Biyernes at Low Pressure Area na lamang sa Sabado.